Dear Mr. Milby,
Kung may magagawa lang ako ginawa ko na. Pero wala kaya napilitan akong panoorin ang kung anong nasa harapan ko kahit alam ko namang pagsisisihan ko habang buhay.
Na-stuck ang channel ng TV namin kagabi at kahit na anong ayos ang gawin ko wala akong magawa. Papatayin ko nalang sana pero nakiusap ang Tiyahin ko na wag daw, manonood na lang daw sya ng kahit na anong palabas. Pagta-tyagaan nya daw pampaantok. Samahan ko daw sya, ok lan din sakin hindi pa naman ako inaantok.
Pumunta ako sa kusina para kumain ulet, nagutom ako eh. Pero hindi pa ko nakakakalahati sa kaning isusubo ko bigla kong nabitawan ang kutsara.
Narinig kong kumakanta ka. Ng isa sa mga paborito kong kanta. Kokomo by The Beach Boys. Wag kang umangal, eh sa favorite ko yun eh, may reklamo?
Ako may reklamo.
Bilang consumer at manood may karapatan akong maglabas ng opinyon ko kagaya rin ng karapatan mong mag-concert. Pero naman, ayus-ayusin mo. Binabayaran ka diba?
Naiintindihan kong Rockustic chorvaness ang tema ng concert mo, ang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ka pumili ng mga kantang babagayan ng rock + acoustic. Hindi lahat ng kanta kaya mong kantahin at hindi sa lahat ng pagkakataon nagiging maganda ang kanta pag iniiba ng areglo. Bat ka nambababoy ng kanta ng may kanta? Akala mo ba maganda? Hindi ikaw si David Cook.
Tingnan mo to:
Mahal kita-HAH, pagkat mahal kita-HAH
Iniisip nila ay hindi mEhElEga
Mahal kita maging sino ka maaaaan!!!!
Wag kang sumigaw! Kung hindi mo kayang kantahin ang kanta – na obviously ay totoo – pwede bang pumili ka na lang ng mga kantang alam mong kaya mo? Ikaw ang mas nakakakilala sa sarili mo kaya dapat mas alam mo kung anong kaya mong gawin at hindi. Bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo at magbigay ka naman ng respeto sa mga kompositor ng mga kantang sinisira mo.
At nagsama ka pa ng isa pang genius na mang-aawit. Kung sino man ang nagsabi sa inyo ni Piolo Pascual na magaling kayong kumanta babatukan ko. Para magising sa katotohanan. Minsan naman ok kayong kumanta eh, depende lang sa kanta. Pero mas madalas ok sa simula, shaky sa gitna, sabog sa dulo. Parang gusto kong ipasok kayo sa Pinoy Dream Academy para ma-okray kayo ni Direk Joey Reyes at Ryan Cayabyab. Tingnan lang natin kung may pumuri sa inyo sa loob.
Tapos may nalalaman ka pang “save the best for last” eh ang gulo nga ng last number mo! It was more of a “save the worst for last” than the former. Ang panget pare, pramis.
Pero in fairness hindi ko naman napanood na buo (dahil hindi ko talaga kaya – kaso ang lakas ng volume ng TV namin eh, abot hanggang kwarto ko), narinig ko lang yung Kokomo, at ang napanood ko talaga eh yung duet mo with Toni at Piolo tapos yun ngang last song mong ubod ng lupet sa panget.
Wag mo nang uulitin ang ginawa mo ha? Utang na loob.
Sincerely,
baboyita
February 16th, 2009 |