Crap! Crap! Crap!

Kung hindi kayo sanay sa profanity huwag nyo nang ituloy ang pagbabasa ng post na to. Galit ako. Bahala kayo.

Pakshet!

Mukhang na-hack yata ang blog ko, obviously hindi ito yun – yung isa. Last Friday may mga posts akong biglang nawala. Biglang poof! Walang ka-warning warning. Ang weird lang kasi nung chineck ko yung files via FTP andun lahat pati database. So hopeful pa ko na pwedeng ibalik. Nag send ako ng ticket sa host ko pero walang sagot – ok lang pa-weekend na din kasi. Pero kanina pag check ko ng email ko sabi may bagong installation daw ng Wordpress. Ano??? Ano’ng bagong installation? Niloloko mo ba ko? Eh ni hindi ko nga nagalaw blog ko ng isang buong araw dahil pumunta ko sa Earth Hour at nag-cover kami ng event, so pano ko maa-upgrade ang blog ko eh ni hindi nga ako magkadaugaga sa pagkuha ng pictures kahapon dahil overwhelmed pa ko sa camera ko. Ayan tuloy nasabi ko na yung sikreto kong malupet. Che!

Masaya ako na malungkot na asar na excited. Halo-halo’ng ewan kaya di ko tuloy alam gagawin ko. Masaya ako dahil sa bago kong toy na di ko pa ma-figure out ang ibang controls, malungkot ako dahil isa na akong pulubi, at asar na asar ako dahil down ang isang blog ko. Pucha talaga ang hirap!

Ewan.

Punyeta. Punyeta. Punyeta.

Punyeta talaga.

Sana lang matulungan naman ako AGAD ng host ko. Lately kasi hindi sila sumasagot sa mga tickets na sina-submit ko kaya parang mas nakakaasar. Di ko tuloy alam kung alam ba talaga nila ginagawa nila o weird lang talaga nangyayari sa blog ko.

Tags: , March 29th, 2009 Posted in blogging, rant

10 Responses to “Crap! Crap! Crap!”

  1. bob Says:

    ganyan na ganyan ren ang nangyari sa blog ng gf ko, pero hindi naman nya ganong pinapansin yun so ok lang, pero 1 tip lang, wag na wag mo lagyan ng details un. mas magandang i-down mo na muna ng tuluyan ung chorva.net dahil pag me nagtrip dun matutuluyan talaga lahat ng posts mo dun. kung mapapasok mo ung database nun baka masalba mo pa ung ibang posts mo. kaya mo yan~ :P

    bob´s last blog post..Rush – YYZ



  2. Vera Says:

    Waaah reminiscent of my bloggy woes nung new year. Sana maayos pa.

    Uuuuyyy concentrate ka na lang sa new baby mo. Show your camera naman, sige inggitin mo ko :)

    Vera´s last blog post..Must see two doctors



  3. baboyita Says:

    @bob – medyo ayos na, naayos ng host ko. hindi naman nawala yung database and regular naman ang backup ko so ok lang. may konti pang inaayos pero hopefully maging ok na lahat :)

    @vera – oo nga naalala ko nung nag-down yung blog mo at bumalik ka ng blogspot… hirap pala talaga ng ganito. as of now di ako makapag-concentrate kasi medyo takot pa ko sa status ng blog ko. sa weekend na lang siguro… hindi ka pa muna mai-inggit :p

    baboyita´s last blog post..Crap! Crap! Crap!



  4. kirksydney Says:

    Pssssst!

    Penge naman akong fan sign for my blog’s 1st anniversary. Here’s the link to the entry: http://kirksydney.com/2009/04/apinebersari/



  5. Mel Alarilla Says:

    Hindi ka na hacked. Nagkaroon ng virus yung website mo kaya nawala yung posts mo. Pero temporary lang yun. Babalik din agad. Nangyari na rin sa akin yun. Pero no harm done wika ko dahil nasa file pa mga articles ko. Bumalik din agad lahat ng posts ko. Ang na hacked sa akin eh yung google at yahoo accounts ko. Pinadalhan ng hackers ang lahat ng addressees ng inbox ko ng solicitation letters asking for financial help. I have to put up warning posts sa blogs ko to inform my readers. Ingat na lang kaibigan at cool ka lang. Maluluto din sila sa sarili nilang mantika. Thanks for the post. God bless you always.

    Mel Alarilla´s last blog post..Warning To All My Readers and Friends



  6. baboyita Says:

    sana nga hindi ako na-hack pero mukhang yun talaga ang nangyari eh.

    may naki-host sa aking spam blog… kaya bang gawin ng virus yon?

    ingat ingat ingat nalang tayo dapat. sana maayos mo na din yung problem mo :)

    baboyita´s last blog post..Crap! Crap! Crap!



  7. melds Says:

    hi there



  8. melds Says:

    hi there ,. . .

    melds´s last blog post..WHY IM NOT BLOGGING



  9. Badet Says:

    Katakot naman yang mga hackers na yan. Kaya nga mas maganda na mag-back-up na rin ng mga files… buti naman okay na ulit :)

    Badet´s last blog post..An Earth Day post: Trash left in Mt. Apo



  10. baboyita Says:

    @Badet – i agree, dapat talaga mag backup ng files lagi. salamat :)



Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Powered by WordPress | Blue Weed by Blog Oh! Blog | Entries (RSS) and Comments (RSS).

ss_blog_claim=283da2ced648fbf07f8f2e0d122ae716