It was a fine day at the office, nagpapanggap akong may silbi as usual at nananahimik (or natutulog) sa pwesto ko nang biglang naisipan kong tumayo – o kinailangan ko atang tumayo, di ko na matandaan – para pumunta sa isang ka-trabaho ko para makipag-chismisan, este, makipag-usap tungkol sa ginagawa ko.
Hindi ako makaalis sa pwesto ko, may pumipigil sa paa ko. Parang hindi ko gets kung anong nangyayari tapos na-realize ko na matutumba na pala ako, yung sahig papalapit nang papalapit sa mukha ko. Buti na lang medyo mabilis ang isip ko at naitukod ko ang kamay ko.
Eto pala ang dahilan.
Pasensya na madumi si pareng chucks ko pero ayan nga. Medyo nagba-bonding si sintas at ang gulong ng silya ko, sa sobrang bonding nila naging close na sila at ayaw nang maghiwalay. Tyempo nung tumayo ako saka sila nag-decide na ayaw na nilang mawalay sa isa’t isa.
See? Sobrang close diba? At yan ang dahilan kung bakit muntik nang mabagok ang ulo ko sa kanto ng lamesang ito.
Pag nagkataon, babaha ng dugo tapos magkakagulo. Makiki-usyoso ang mga miron sa katabi naming grupo at ilang sa kanila ay mapapamura ng ingles na may accent. May mapapa-omaygadddd sigurado tapos isusugod ako sa ospital, tapos sisikat ang grupo namin. Tapos sisikat din ako.
Pero buti na lang hindi naman nagkatotoo. Buti na lang din carpeted ang sahig. Kung nagkataon parang eksena sa Final Destination ang mga pangyayari.
October 16th, 2008 |